Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11591 o an act fixing the last day of registration of voters for the 2022 national and local elections.
Nakasaad sa nasabing batas, na palalawigin pa ng isang buwan ang pagpaparehistro mula September 30 ililipat ito sa a trenta ng Oktubre base na rin sa panukalang pinagtibay ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.
Una nang nanawagan ang malakanyang sa mga botante na magparehistro para sa karapatan na makaboto sa susunod na halalan.
Sinabi ng palasyo na samantalahin ang pagboto at huwag na hintayin ang huling araw nito.