Inihayag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na posibleng ianunsiyo ng kanilang ahensya ang pagpapalawig ng voters registration sa Metro Manila.
Aniya, magsasagawa palang ng pagpupulong ang COMELEC Management Committee para pag-usapan ang hiling sa pagpapalawig.
Matatandaang sinabi ng ahensya na hanggang Setyembre 30 na lamang ang huling araw ng pagpaparehistro dahilan para humiling ang ilang mga senador kabilang na sina Senator Juan Miguel Zubiri, Senator Francis “Kiko” Pangilinan at iba pang senador. —sa panulat ni Angelica Doctolero