Iminungkahi ng Malakanyang na mas palawigin pa ang water saving projects ng gobyerno kasabay ng lumalawak na pinsala dulot ng tagtuyot.
Plano ng Malakanyang na atasan ang bawat komunidad na magkaroon ng kanilang water impounding facilities o mapag-iimbakan ng tubig at rainwater catchment basins
Kasabay nito ay umapela na rin ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS sa mga konsyumer na gamitin ng tama at maayos ang suplay ng tubig at makibahagi sa mga hakbang upang masiguro ang sapat na suplay nito ngayong panahon ng tagtuyot.
Ito’y kasunod ng patuloy na pagbaba ng water level ng La Mesa dam na isa sa mga pangunahing water system na pinagkukunan ng suplay ng tubig.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, makatutulong ito hindi lamang sa mga tahanan kundi maging sa industriya ng agrikultura kung saan kailangan din ng suplay ng tubig para sa irigasyon.
Samantala, ayon sa PAGASA, posibleng maitala pa ang mas mahaba at mas mainit na panahon sa buwan ng mayo na maaaring makaapaekto sa mahigit tatlumpung (30) probinsya sa bansa.