Suportado sa senado ang pagpapalawig ng Work-from-Home program hanggang matapos ang deklarasyon ng state of calamity ng pamahalaan sa Setyembre para sa Business Processing Outsorcing (BPO).
Ayon kay Senador Imee Marcos, sinusuportahan niya ang panukala kahit nagpalabas na ng Back-to-Office order ng ang Department of Finance (DOF).
Bagama’t nilinaw ng DOF na kailangan amiyendahan ang tax code upang payagan ng mga kompanya sa economic zone na manatili ang remote work arrangements habang pinananatili nila ng kanilang fiscal incentives.
Ngunit, binigyang-diin ni Marcos na kapag ginawa ito ay maitataboy ang pagpasok ng foreign investors at mahihirapan ang susunod na administrasyon na mapanatili ang paglago ng pamuhunan.