Isinusulong ng mga senador ang pagpapalawig pa ng Bayanihan to Heal as One Law.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, malabo pang matapos ang problema ng bansa pagsapit ng June 24 kung kailan mawawalan na ng bisa ang Bayanihan to Heal as One Law.
Kailangan anyang maipagpatuloy ang kapangyarihan ng pangulo na makapagre-allign ng budget upang matugunan ang mga pangangailangan sa paglaban sa COVID-19 at iba pang kapangyarihang naibigay sa kanya sa ilalim ng Bayanihan Law.
Una nang sinabi ni Senate President Tito Sotto na kailangang mapalawig pa ang Bayanihan Law upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating apektado ng quarantine.