Pinagaaralan pa rin ng gobyerno kung palalawigin muli o ihihinto na ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang magiging desisyon hinggil dito.
Ani Roque, pinakikinggan ng pangulo ang bawat payo o opinyon ng mga eksperto ukol sa nasabing usapin.
May ilang mga opisyal aniya ang nagsusulong na ituloy ang ECQ habang may ilan naman din umano na pabor sa “modified” ECQ.
Nakatakdang magtapos ang extension ng ECQ sa ika-30 ng Abril.