Suportado ng ilang health expert na palawigin ang alert level status sa Metro Manila hanggang sa unang bahagi ng 2022.
Ito’y kasunod ng apela ni health secretary Francisco Duque III na palawigin sa alert level 2 ang National Capital Region o NCR sa harap ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, mabuti nang nag-iingat lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.