Inila-lobby ni Maguindanao Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu sa Malakanyang ang pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang 2025.
Ayon kay Mangudadatu, suportado ng maraming kapwa niya mambabatas ang pagpapalawig ng bta kaya’t umaapela sila sa Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ito para sa kapayapaan.
Binigyang diin ni Mangudadatu na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay bunga aniya ng dugo, pawis at kayamanan ng mga Mujahideen.
Ang BARMM aniya ay para sa mga taong naninirahan sa Bangsamoro homeland na maipapamana sa susunod na henerasyon.