Lusot na committee level ng kamara ang panukalang batas na naglalayong mapalawig ang Bayanihan to recover as one act (Bayanihan 2).
Sa isinagawang pagdinig, inaprubahan ng house committee on appropriations ang consolidated bill kung saan isinusulong nito na ma-extend ang validity ng Bayanihan 2 mula Disyembre 19, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nagpapatuloy ang laban ng bansa kontra COVID-19.
Paliwanag ni House Speaker Lord Allan Velasco na siyang may-akda ng bill, kailangang palawigin ang Bayanihan 2 upang maipagpatuloy ng gobyerno ang mga hakbang at programa ngayong krisis sa ilalim ng naturang batas.
Nakapaloob sa bayanihan 2 ang COVID-19 stimulus package na nagkakahalaga ng P140-B na regular appropriation at P25-B na standby funds na gagamitin sa pagtugon sa epekto ng pandemya.