Hinimok ng isang Infectious Disease Expert at National Vaccine Expert Panel Member ang gobyerno na palawigin ang umiiral na COVID-19 restrictions sa bansa.
Ito ang panawagan ni San Lazaro Hospital – Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit Head, Dr. Rontgene Solante, sa gitna na rin ng banta ng Omicron variant at maluwag na restrictions.
Ayon kay Solante, kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang i-extend pa ang Alert level 2 hanggang katapusan ng Disyembre lalo’t hindi pa naman tuluyang nawawala ang COVID-19.
Sa ngayon anya ay tanging bakuna ang solusyon upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng panibagong variant.
”Yes, pwede na pero hindi ibig sabihin niyan na ahh magtatanggal ka na ng mask.. magtanggal ka na ng protection mo dahil andito pa rin ang Delta, kaya malaking bagay yung… Bakunahan natin noh.. kaya ini-encourage pa rin natin sa December 15, 16 and 17 na National Vaccination Day yung mga hindi pa nabakunahan… na mabigyan ng proteksyon. ” – Pahayag ni Dr. Rontgene Solante, sa panayam ng DWIZ.