Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Local Government Unit (LGU) na palawakin na ang kanilang daily vaccinations upang makamit ng gobyerno ang target na 50 milyon COVID vaccine jabs sa katapusan ng taon.
Sa kanyang talk to the people kagabi, aminado si Pangulong Duterte na malabong maabot ang target kung hindi makapagtuturok ng 400,000 hanggang 500,000 vaccines kada araw.
Ayon sa Pangulo, dapat na ring madaliin ang pagbabakuna lalo’t may mga vaccine brand na dumating sa bansa na hindi dapat pinagtatagal sa mga storage facility nang mahabang panahon.—sa panulat ni Drew Nacino