Maaga pa para masabing may pangangailangang i-extend ang ECQ sa Metro Manila ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sa ngayon aniya ay dapat na mahigpit na sumunod ang publiko sa minimum health standards matapos pumalo sa mahigit 12k ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa magkasunod na araw.
Kasabay nito, nanawagan si Duque sa Local Government Units sa NCR na palakasin ang kanilang vaccination campaign para kaagad maabot ang herd immunity.
Sinabi ni Duque na batay sa datos ,nasa mahigit 40% na ng mga taga NCR ang fully vaccinated laban sa COVID-19.