Nakabitin pa kung kailan malalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bills na nagpapalawig sa expiration ng Pasaporte at Driver’s license.
Ayon kay Senior Executive Secretary Menardo Guevarra nasa tanggapan na ng Pangulo ang mga nasabing enrolled bills na una na rin nilang inirekomendang mapirmahan na ng Pangulo.
Nakasaad sa enrolled bills na mula limang taon ay magiging 10 taon na ang validity ng Philippine Passport samantalang mula sa tatlong taon ay magiging limang taon na epektibo bago ma renew ang driver’s license.
Kapag hindi napirmahan ng Pangulo ang enrolled bills sa loob ng 30 araw at hindi niya ito ibinalik sa Kongreso ay otomatiko nang magiging batas ang mga ito.