Ikinalugod ng Commission on Human Rights o CHR ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa resolusyon ng Kongreso na nagpapalawig sa pagbibigay bayad danyos sa mga umano’y martial victims.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, napakahalaga ng ibinigay na extension ni Pangulong Duterte para sa mga biktima na hindi pa rin nakatatanggap ng bayad danyos.
Sa ilalim ng joint resolution na pinirmahan ng Pangulo, ililipat na sa CHR ang pangangasiwa sa pagbibigay ng victim claims na dating nasa pamamahala ng Kongreso.
Batay sa talaan ng binuwag na Human Rights Victims Claims Board, mula sa 75,000 applicants, mahigit 11,000 pa lamang dito ang naaprubahan simula ng isabatas ang pagbibigay bayad danyos noong 2013.
Tiniyak naman ni De Guia na sa huling linggo ng abril iaanunsyo na nila kung kailan ipamamahagi ang cheke para sa mga claimants.