Pinag-iisipan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na palawigin ang halalan.
Ginawa ni Bautista ang pahayag matapos silang utusan ng Korte Suprema na mag-isyu ng resibo sa mga balota.
Sinabi ni Bautista na alinsunod sa batas, ang regular election ay dapat isinasagawa tuwing ikalawang Lunes sa buwan ng Mayo, pero ikinukonsidera niya na gawing dalawang araw ang halalan.
Sa kabila nito, nag-aalala aniya siya na kung madaragdagan ang oras o araw ng pagboto ay posibleng madagdagan din ang mga maglilingkod sa halalan gaya na lamang ng mga guro, watcher at maging ang kanilang mga staff.
By Meann Tanbio | Allan Francisco