Hindi inaalis ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang posibilidad na palawigin pa ang ipinatutupad na travel restrictions na ipinatutupad sa ilang bansa dahil sa bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Roque, ngayong nakapasok na sa bansa ang new variant ng virus, malaki ang posibilidad na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mungkahing i-extend o palawigin pa ang travel restrictions.
Giit ni Roque, hindi nya nais na pangunahan ang IATF ngunit sa development aniya ng new variant ngayon, walang dahilan upang hindi palawigin ang paghihigpit sa pagpasok sa Pilipinas ng mga magmumula sa mga bansang nakitaan ng kaso ng bagong strain ng COVID-19.
Pero paliwanag ni Roque, maari namang manatili parin ang utos ni Pang. Duterte na hindi dapat pigilang makauwi ng Pilipinas ang mga Pilipinong magmumula sa ibayong dagat, basta’t mahigpit lamang na sundin ang mandatory 14-day quarantine period.