Halos sigurado na ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Inihayag ito ni Senador JV Ejercito makaraang makipagpulong ang mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag-usapan ang extension ng Martial Law.
Sinabi sa DWIZ ni Ejercito na ang tanging pinag-uusapan ngayon ay kung gaano katagal ang ibibigay nilang extension sa Martial Law sa Mindanao.
At upang makapagpasya aniya ng tama ang mga senador, nagpasya silang humingi ng security briefing sa Department of National Defense o DND, AFP o Armed Forces of the Philippines at PNP o Philippine National Police.
Una rito, nagpatawag na ng joint session ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa Sabado para sa pagpapalawig ng Martial Law.
“Hindi rin kasi magandang tumagal ang Martial Law dahil especially sa turismo at potential investors ibig sabihin hindi normal ang situation, matapos ito sa lalong madaling panahon mas maganda at yan naman ang pakay natin kaya natin gusto nating may susuporta sa Martial Law para matapos ang gulo sa Marawi sa lalong madaling panahon.” Pahayag ni Ejercito
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Pagpapalawig sa Martial Law halos sigurado na was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882