Napigilan ng pamahalaan ang pagtatangka ng mga teroristang grupo na makapagtatag ng sariling probinsya ng Islamic State sa Pilipinas partikuar sa Marawi City.
Ito ang pahayag ng Malakaniyang kasunod ng unang buwang anibersaryo ng pagdideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakamit ng pamahalaan ang pangunahing layunin sa pagdideklara ng batas militar at iyon ay supilin ang pagkalat ng terorismo sa bansa.
Gayunman, hindi masabi ni Abella kung palalawigin o aalisin na ang martial law sa sandaling matapos na ang 60 araw na itinatakda ng saligang batas.
Ipinauubaya na ng Palasyo sa Defense Department o sa hukbong sandatahan ang rekumendasyon kung may pangangailangan pang palawigin o hindi na ang martial law sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Pagpapalawig sa Martial Law ipinauubaya na sa DND-AFP was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882