Inirerespeto ng Commission on Human Rights o CHR ang naging desisyon ng Kongreso na palawigin ang martial law sa Mindanao sa susunod na isang taon.
Ayon sa CHR, iginagalang nila ang naging prerogative ng Pangulo pati na rin ang boto ng Kongreso.
Ngunit iginiit ng grupo na kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsulong upang resolbahin ang mga kaso ng paglabag sa human rights.
Sa huli ay naninindigan pa rin ang CHR na kaya ng mga pulis at militar na supilin ang mga banta ng terorismo at karahasan kahit hindi magpatupad ng martial law.
—-