Nanawagan sa Manila Electric Company (MERALCO) ang isang senador na magpakita pa ng ibayong malasakit at pag-aralan ang posibleng pagpapalawig pa ng kanilang ‘no-disconnection policy’ para sa mga mahihirap na consumers.
Ginawa ni Sen. Bong Go ang pahayag sa gitna ng pangamba ng libo-libong electric consumers ng Meralco na baka putulan sila ng kuryente dahil problemado pa rin sila sa kanilang bayarin.
Giit ni Go, ilang buwan nang pinagbabawalan ang karamihan na makapagtrabaho at maghanapbuhay at dahil walang sapat na income ay nahihirapan silang magbayad ng kuryente.
Matatandaang pumalag din ang maraming customers ng Maynilad sa Muntinlupa City matapos putulan ng suplay ng tubig dahil sa hindi nabayarang water bills.