Posibleng palawigin pa ng Department Of Health o DOH ang pediatric vaccination sa mga batang 11 taong gulang pababa.
Ito’y matapos magpahayag ng suporta ang United State Centers for Disease Control and Prevention o CDC sa malawakang paggamit ng bakuna ng Pfizer Biontech vaccine sa edad lima hanggang 11.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sinusuri na ng mabuti ng Health Technology Assessment Council ang naturang rekomendasyon gayundin ang bakunang maaaring ibigay sa nasabing age groups.
Layunin nitong, mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa paghahanda sa face to face classes sa bansa.