Hinimok ng pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC) ang Department Of Transportation(DOTr) na ikunsidera ang pagbibigay ng kakaunti pang panahon bago ipatupad ang lubos na paggamit ng cashless transaction sa mga expressways.
Sa isang pahayag sinabi ni SMC President and COO Ramon Ang, na malaki pa ang bilang ng mga motoristang hindi pa nalalagyan ng RFID tags.
Ani ang, batay sa kanyang monitoring sa dami ng mga humahabol sa pagpapalagay ng RFID tags nitong nakaraang weekend, hindi anito kayang maserbisyuhan ang lahat.
Kung kaya’t, panawagan ni Ang, bigyan sila ng hanggang Pebrero na magpanatili ng ilang mga cash lanes para makagpaglagay pa ng mga RFID tags.
Sa kabila ng pagpupursige ng SMC na mapabilis ang paglalagay ng mga RFID tags, gaya ng pagbubukas ng 100 karagdagang sticker installation sites na bukas 24 oras, talaga aniyang malaki lang ang bilang ng mga sasakyang nagpapalagay dito.