Hindi irerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng extension ng mandatory quarantine period para sa mga byahero hanggang 21 araw.
Ito’y kahit pa mayroon nang na-detect na mga panibagong kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa sa impormasyon mula sa ekspertong kanilang kinukonsulta gayundin sa ilang pag-aaral, na ang pagkalat o ang tyansa ng pagkahawa sa bagong variant ng COVID-19 ay kapareho lamang ng nauna kaya naman ibig sabihin nto ay pupwedeng parehas din ang incubation period.
Ani Vergeire, sa halip na protocols sa quarantine, mas makatutulong kung paiigtingin ang contact tracing.
Sinabi rin ni Vergeire na mahalagi pa ring masiguro ng mga local government units na nasusunod ang 14-day quarantine period ng mga byahero sa kanilang lugar.