Pinaplano na ng Commission on Elections na i-extend ang oras ng kanilang serbisyo dahil sa mataas pa rin na bilang ng mga botanteng hindi pa nakapag-paparehistro ng kanilang biometrics information, hanggang sa ngayon.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bukod sa extended working hours, pinag-iisipan din nilang magdagdag ng mga kagamitan, gaya na lamang ng dagdag na fingerprint scanners.
Anya, magsasgawa sila ng all-out campaign na mag oobliga sa mahigit 3 Milyong botante na magtungo na sa mga registration offices at iparehistro na ang kanilang biometrics.
Kabilang anya sa mga lugar na may mababang bilang ng biometrics registration sa ngayon ay ang Region 4, Metro Manila at Central Luzon.
Nilinaw naman ni Bautista na wala nang extension ang deadline na October 31 para makapag parehistro.
Samantala, pansamantalang isusupinde ng COMELEC ang voter registration mula October 12 hanggang October 16 para bigyang daan ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga kakandiato sa 2016 elections.
By: Jonathan Andal