Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang planong palawigin pa ang kanyang termino.
Ito ay gitna na rin ng muling pagsusulong ng ilang mga mambabatas sa usapin ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 constitution.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya tatanggapin ang anumang alok ng term extension kahit na ibigay pa ito sa kanya ng walang kahirap-hirap.
Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tsismis lamang ang kumakalat na term extension sa pangulo.
Ani Roque, makailang ulit nang sinabi ng Pangulo na hindi niya nais na manatili pa sa puwesto kahit isang minuto man lamang matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 ng 2022.
Magugunitang inihain ng mga kaalyadong senador ng pangulo na sina Senators Francis Tolentino At Ronald Dela Rosa ang resolusyon para mag-convene bilang constituent assembly ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.
Kaya nga akala nila term extension… maski bigay mo sa akin libre another 10 years, sabihin ko sayo… iyo na lang ‘yan tapos na ako,”pahayag ni Pangulong Duterte.