Tatalakayin sa pulong ngayong araw ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang usapin hinggil sa pagpapalawig sa ipinatutupad na travel ban dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Department of Health (DOH) assistant secretary Maria Rosario Vergeire, regular na nagsasagawa ng assessment ang mga ahensiyang miyembro ng Inter-Agency Task Force para matukoy ang lugar kung saan dapat ipatupad, palawigin o alisin ang travel restriction.
Kabilang aniya sa mga isinasaalang ng task force sa pagpapasiya ang bilang o dami ng mga Pilipinong bumibiyahe sa partikular na apektadong lugar.
Gayundin ang mga naitatalang kaso ng local transmission.
Sa kasalukuyan, nagpapatupad na ng travel restrictions ang Pilipinas sa China at South Korea.