Nangako ang isang human rights group sa pamilya Ortega na tutulong sila sa pagkakamit ng hustisya para sa mamamahayag at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.
Ito’y ayon kay Evangeline Hernandez, Chairperson ng grupong Hustisya kasunod ng naging desisyon ng Court of Appeals na palayain si dating Palawan Governor Joel Reyes.
Mariing kinondena ng grupo ang naging pasya ng appellate court na anila’y dumagdag pa sa kultura ng kawalang pagpapahalaga at pananagutan sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Magugunitang isa si Reyes sa mga pangunahing salarin sa pagpatay kay Doc Gerry noong Enero 24 taong 2011 bunsod ng kaniyang naging pagbubunyag hinggil sa paglustay umano sa pondo ng Malampaya natural gas facility ng lalawigan.
—-