Hindi dapat palayain si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prisons dahil hindi ito sakop ng mga panuntunang nakapaloob sa GCTA o Good Conduct Time Allowance Law
Iyan ang inihayag ni DILG o Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang pagsang-ayon sa posisyon ng Department of Justice
Ayon sa kalihim, kailangang panagutan ni Sanchez ang hatol sa kaniya ng Korte hanggang sa huling sandali nito dahil sa kasong panggagahasa at pagpatay sa mag-nobyong estudyante ng University of the Philippines
Sakaling mapalaya man si Sanchez na nahaharap sa mga tinaguriang Heinous Crimes, sinabi ni Año na tiyak na lilikha ito ng malaking butas sa umiiral na sistema ng katarungan sa bansa