Ipinag-utos na ng DOJ o Department of Justice ang pagpapalaya sa pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim at University of the Philippines (UST) freshmen law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Batay ito sa limang pahinang resolusyong isinulat ni Assistant Prosecutor Susan Villanueva at inaprubahan nina Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at Acting Prosecutor General Jorge Catalan.
Ayon kay Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr., natanggap na ng MPD o Manila Police District ang release order para kay John Paul Solano na ikinulong sa MPD Headquarters.
Gayunman, nilinaw ni Catalan na hindi pa ligtas si Solano sa mga reklamong kaniyang kinakaharap at sasailalim pa siya kasama ang iba pang respondent sa preliminary investigation sa Oktubre 4 hanggang 9 kung saan bibigyan siya ng pagkakataon na kontrahin ang mga alegasyon.
Magugunitang kinasuhan noong Lunes si Solano ng Murder, Perjury, Obstruction of Justice, Robbery at violation ng Anti – Hazing Law ng MPD matapos siyang sumuko, noong Setyembre 22.