Inakusahan ng kampo ni National Democratic Front o NDF consultant Rafael Baylosis ang Philippine National Police o PNP ng pagtatanim ng granada upang tiyaking hindi ito makakapagpiyansa.
Ayon kay Atty. Rachel Pastores, abogado ni Baylosis, nagulat sila nang bigla na lamang madagdagan ang orihinal na kaso ng illegal posession of firearms na inireklamo ng mga pulis laban sa kanyang kliyente.
“Kahit po effective pa ang bail niya dito sa RTC Manila, with the filing of this new charge ay hindi po siya ilalabas kung ito po ay isasampa at magtutuloy-tuloy sa pagfa-file dito sa RTC, nag-desisyon na rin ang inquest prosecutor, ang recommendation niya is to file illegal possession of firearms pero kaugnay po dun sa hand grenade dine-fer ng inquest prosecutor.” Ani Pastores
Binigyang diin ni Pastores na iligal ang ginawang pag-aresto kay Baylosis dahil umiiral at may bisa pa ang kanyang piyansa sa Manila RTC Branch 32 para sa mga nauna nitong kaso bago pinalabas para makalahok sa peace talks.
Ipinakita ni Pastores ang desisyon ng Manila RTC Branch 32 na nagbabasura sa mosyon ng piskal para kanselahin ang piyansa ni Baylosis.
“At the time of his arrest meron po siyang valid and effective bail at yan po ang nakasaad dito sa order ng RTC Manila, simple lang ang basis, ang sinasabi diyan since it was the Supreme Court that originally granted the bail of Raffy Baylosis therefore it is only the Supreme Court that could cancel it.” Pahayag ni Pastores
—-