Kinondena ng iba’t ibang LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) groups ang pagpapalaya ng korte kay US. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na pumatay kay transgender woman Jennifer Laude noong 2014.
Ayon sa kanilang post sa Facebook, ipinaabot ng Lagablab LGBT Network ang kanilang galit sa nasabing desisyon ng korte dahil hindi sapat ang pagkakakulong nito para mabayaran ang ginawa kay Laude.
Sinabi naman ng LGBT group na Bahaghari na ang nasabing hakbang ng korte ay hindi lamang patunay nang patuloy na pakikibaka ng LGBT community sa Pilipinas kun’di ang paninindigan ng bansa na mas panigan ang Amerika kaysa Pilipino.
Magugunitang ipinag-utos ng Olongapo City Court ang pagpapalaya kay Pemberton dahil sa good conduct time allowance (GCTA) rule.