Ipinag utos ng Korte Suprema ang pagpapalaya sa murder convict na si Rolito Go.
Ibinasura ng Supreme Court 3rd Division ang petisyon ng Bureau of Corrections na kumukuwestyon sa desisyon ng Court of Appeals at ng Regional Trial Court na mapalaya na si Go.
Kinatigan ng Korte Suprema ang resolusyon ng CA na nagtapos na nuong August 2013 ang sentensya ni Go dahil sa good conduct time allowance na iginawad sa kanya.
1993 nang masentensyahang makulong si Go ng 40 taon dahil sa pagpatay sa estudyante ng Dela Salle University na si Eldon Maguan nuong 1991 dahil lamang sa away trapiko.
Sinasabing si Go ay mayroong stage four colon cancer.
By: Len Aguirre