Pinapanagot ng may akda ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.
Ito’y ayon kay Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ay dahil sa maagang pagpapalaya sa mga bilanggong nakagawa ng ‘heinous crimes’ o karumal dumal na krimen na paglabag sa GCTA.
Binigyang diin ni Rodriguez na malinaw sa batas at intensyon nitong hindi dapat palayain ang mga kriminal na sangkot sa ‘heinous crimes’.
Una nang inamin ni Faeldon sa pagdinig ng senado na tatlo sa mga na convict sa rape slay case ng Chiong sisters ay napalaya na dahil sa GCTA, gayundin ang apat na chinese drug lords subalit pinigil lamang ng department of Justice (DOJ) ang deportation process.