Tila injustice o kawalan ng hustisya pa rin ang pagpapalaya sa 10 political prisoners.
Ayon ito sa grupong Karapatan dahil sa loob ng 5 taon ay kailangan pa ring mag report kada buwan ng mga pinalayang political prisoners sa mga Korte kung saan nakasampa ang kani kanilang mga kaso.
Sinabi ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay na limitado pa rin ang pagkilos ng mga naturang political prisoners kahit pa makakasama na nila ang kanilang pamilya dahil sa nasabing kondisyon.
Mayruon pa aniyang pagdududa sa mga pinalayang political prisoners na dapat ay pinatawad na sa kanilang kasalanan at isa aniyang surveillance at harassment ang naturang kondisyon ng gobyerno.
By: Judith Larino
Pagpapalaya sa 10 political prisoners kawalan pa rin ng hustisya – Grupong Karapatan was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882