Ipinag-utos ng Pasay City Prosecutors Office ang pagpapalaya sa 12 katao na umano’y biktima ng “tanim-bala” sa NAIA.
Sa resolusyon na nilagdaan ni Prosecutor Nolasco Fernandez Jr., walang nakitang sapat na basehan para usigin sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga respondent.
Ang mga ito ay sina Rufina Cruz, Melody Valdez, Marlou Espanola, Rowena Otic, Milagros Cadiente, at Mildred Botog.
Kabilang din sa mga respondent sina Ma. Josephine Rabano, Shine Enola, Rey Salado, Ryan Rosales, Santiago Cabrera, at Gloria Ortinez.
Giit ng piskal, nabigo ang mga otoridad na isailalim sa ballistic examination ang mga nakumpiskang bala upang matukoy kung live ammunition nga ang mga ito.
By Jelbert Perdez