Pino-proseso na ng Quezon City Police District ang pagpapalaya sa 40 naka-detineng miyembro ng KADAMAY na nahaharap sa kasong trespassing at grave coercion.
Ito’y matapos ipag-utos ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 38 ang pagpapalaya sa mga nasabing miyembro ng KADAMAY matapos magpiyansa na nagkakahalaga ng P7,000 bawat isa.
Tumagal ng sampung araw ang pagkakakulong ng KADAMAY members sa Camp Karingal.
Samantala, nilinaw ni atty. Kathy panguban, legal counsel mula sa National Union of Peoples’ Lawyers na sa kabila ng provisional liberty, mananatili pa rin ang mga nakahain kaso laban sa KADAMAY members, at itinakda sa Mayo 8 ang kanilang arraignment.
By: Meann Tanbio