Binatikos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpupumilit ng New People’s Army o NPA na palayain ang 400 political detainees.
Sinabi ito ng Pangulo, sa kanyang pagdalo sa National Convention of Philippine Association of Water Districts sa Davao City.
Sinabi ng Pangulo na hindi maaring igiit ang pagpapalaya sa 400 bilanggo, lalo na at hindi pa nagkakaroon ng konkretong plano para makamit ang kapayapaan at wala pa rin siyang natatanggap na proklamasyon na naka “Ceasefire Mode” na ang mga ito.
Pakinggan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Katrina Valle