Nananawagan ngayon ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mga otoridad ng Iraq at Libya na tulungang makalaya ang limang pilipinong dinukot ng mga armadong grupo mula sa mga nabanggit na bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, patuloy na ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga local authorities mula sa dalawang bansa upang mabawi ng buhay mula sa kanilang mga abductors ang ating mga kababayan.
Pahayag ni Cayetano, natanggap ng DFA ang impormasyon ng hiwalay na insidente ng pagdukot mula sa mga embahada ng Pilipinas sa Baghdad at Tripoli.
Matatandaang dinukot ang tatlong OFW sa Southeastern Libya noong Biyernes habang kahapon nangyari ang pagdukot sa dalawang pinoy sa Baghdad.