Inaapura na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isinusulong nitong pagpapalaya sa 500 hanggang 700 Persons Deprived of Liberty (PDLs) hanggang katapusan ng taong kasalukuyan.
Katunayan, ayon kay BuCor Officer-In-Charge Gregorio Catapang, sa ngayon ay nagdo-doble-kayod na sila para mapabilis ang nasabing proseso.
Sa laging handa briefing, ipinaliwanag ni Catapang na ang documentation ang nagpapabagal dito.
Sa kabilang banda, mahalaga aniyang matukoy kung eligible ang PDLs na mabigyan ng parole o executive clemency.
Pahayag ni catapang, lahat ng matatandang pasok sa criteria ay gusto nilang maisama sa rekomendasyon alinsunod na rin sa utos ni Justice Sec. Boying Remulla bilang isa sa mga hakbang ng pamahalaan para mapaluwag din ang New Bilibid Prison (NBP). – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).