Ipinag-utos ng Angeles City Regional Trial Court ang paglaya ng isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Ito’y matapos absweltuhin si Ramon Yalung nina SPO4 Roy Villegas, SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang sa pagpatay kay Jee.
Dahil dito, inabswelto ng Department of Justice o DOJ Panel of Prosecutors si Yalung mula sa krimen na inaprubhan ng mababang hukuman.
Tatlong (3) buwan ding nakulong si Yalung sa Angeles City District Jail dahil sa pagdawit sa kanya ng kasambahay ni Jee na si Marissa Morquicho.
Samantala, ipinagpaliban ng korte sa Mayo 31 ang arraignment kina Sta. Isabel at Villegas na pawang mga orihinal na akusado sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano.
By Meann Tanbio