Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa mga communist leaders.
Ang hakbang ay ginawa sa harap ng paghahanda ng pamahalaan para sa pormal na usapang pang-kapayapaan sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, magsisimula ang pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa CPP-NDF-NPA sa Agosto 20 sa Oslo, Norway.
Giit ni Dureza, mahalaga ang pagpapalaya sa mga lider ng partido komunista upang makalahok ang mga ito sa peace negotiation.
Hindi naman tinukoy ni Dureza kung sinu-sino ang mga palalayaing political prisoners.
By Jelbert Perdez