Sa katapusan pa ng Hunyo at hindi sa a-tres ng Hunyo maaaring makalaya ang nakakulong sa Pasay City Jail na mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong.
Ito ang nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasunod ng pahayag ni Senate President Tito Sotto III matatapos ang pag-contempt ng senado sa dalawang Pharmally officials sa Hunyo 3 kung kailan mag-a-adjourn sine die o magsasara ang senado sa ilalim ng kasalukuyang 18th congress.
Ayon kay Drilon, ang third regular session lamang ng konggreso ang magtatapos sa June 3.
Ang mismong 18th congress ay mag-a-adjourn at magsasara sa Hunyo 30 pa at doon lamang otomatikong malulusaw ang mga kautusan ng senado ukol sa pag-contempt, pagkakabilanggo at pagpapa-aresto sa Pharmally officials at iba pang sangkot sa kontrobersya nito.
Una rito, sinabi ni Sotto na Hunyo 3 magsasara ang konggreso agad nagpasalamat ang abogado nina Dargani at Ong na nagsabi na dapat noong pang Pebrero dapat pinalaya ang dalawa dahil inilabas na noon ang report ng Blue Ribbon Committee ukol sa Pharmally.