Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mabilis na pagpapalaya sa mga kwalipikadong Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ito’y bilang pagtalima ni BJMP Chief Jail Dir. Allan Iral sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paluwagin ang mga piitan sa bansa.
Batay sa 2022 accomplishment report ng ahensya, nasa 77,000 bilanggo na ang napalaya sa pamamagitan ng paralegal services.
Inatasan naman ni Iral ang mga paralegal officer ng BJMP na pagsumikapang magbigay ng 24 oras na serbisyo para tulungan ang mga preso sa kanilang mga kinakaharap na kaso. – sa panulat ni Hannah Oledan