Dumipensa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ginawa nitong pagpapalaya sa mga nahuling Taiwanese fishermen sa bahagi ng Batanes.
Kasunod ito sa nangyaring stand off sa pagitan ng Pilipinas at Taiwanese authorities.
Ayon kay BFAR Regional Director Jovita Ayson, ito ay joint decision ng BFAR at Philippine Coast Guard matapos na maipit ng malalaking mga bangka ng mga Taiwanese.
Nangyaring dinakip ng Philippine Coast Guard at BFAR ang mga Taiwanese fishermen na nangingisda sa karatagang sakop ng Pilipinas ngunit dumating ang Taiwanese Coast Guard humarang sa kanilang daan saka iginiit na pakawalan ang mga mangingisdang Taiwanese.
Dahil sa sitwasyon ay napilitan ang mga itong pakawalan ang nahuling illegal fishermen upang hindi na magkainitan pa.
By Rianne Briones