Walang saysay ang kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga at krimen lalo’t pinalalaya rin naman kalaunan ang mga malalaking isdang nasasangkot dito
Iyan ang binigyang diin ng grupong BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan sa harap ng usapin hinggil sa pagpapalaya ng Bureau Of Corrections sa mga preso na nasa new Bilbid Prisons sa ilalim ng GCTA o Good Conduct Time Allowance Law
Ayon kay BAYAN Sec/Gen. Renato Reyes, ang ginawang pagpapalaya ng Bucor sa halos 2 libong mga preso sa NBP kabilang na sina dating Calauan Mayor Antonio Sanchez at sa 4 na Chinese Drug Lords ay malinaw na ang mga makapangyarihan lamang ang may katarungan at hindi ang mahihirap na mamamayan
Sinabi pa ni Reyes na nakikiisa sila sa panawagang sibakin sa puwesto si Bucor Chief Nicanor Faeldon at mga opisyal nito
Gayundin ay imbestigahan ang anila’y malawakang katiwalian sa loob ng Bucor at papanagutin ang lahat ng mga sangkot dito mula pa nuong 2014 hanggang sa kasalukuyan