Pinapurihan ng Palasyo ang ginawang aksyon ng Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga Chinese militia vessels sa bahagi ng Sabina Shoal sa Palawan.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque patunay lang anito na ang Pilipinas ang nagpapalayas sa mga Chinese na nasa teritoryo ng bansa.
Giit pa ni Roque, na kumpyansa siyang hindi makakaapekto ang ginawang paninita ng mga kawani ng PCG sa bilateral relations ng Pilipinas at China.
Paliwanag ni Roque na malinaw namang nasa bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang naturang teritoryo.
Sa huli, nanindigan ang Palasyo na sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang teritoryo ang mawawala sa bansa.