Iginiit ng Bureau of Immigration na hindi na nila palalawigin pa ang deadline ng pagpapaalis sa mga Foreign POGO workers sa December 31.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sa panayam ng DWIZ, kasunod ito ng kautusan ni pangulong ferdinand marcos junior na ipasara ang lahat ng operasyon ng pogo sa bansa sa katapusan ng taon.
Sinabi ni Spokesperson Sandoval, mula sa 33,000 na dayuhang trabahador ng POGO, 21,000 sa mga ito ang nag-downgrade na ng kanilang visa, kung saan karamihan sa mga ito ay umalis na ng Pilipinas.
Kaugnay nito, inaasahan aniya ng B.I. na mas marami pang Foreign POGO workers ang aalis ng bansa sa mga susunod na araw. - Sa panulat ni John Riz Calata