Inirekomenda ni Health Secretary Francisco Duque, III sa National Task Force Against COVID-19 na ipagpaliban ang second round ng National Vaccination Days sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na bagyo.
Sa halip na sa December 15 hanggang 17, isasagawa na lamang ang ikalawang ”Bayanihan, Bakunahan” sa December 20 hanggang 22 sa Southern Tagalog Region, Central at Eastern Visayas at Northern Mindanao.
Itutuloy naman aniya ang bakunahan sa Northern at Central Luzon, at CALABARZON.