Umaasa ang NAMFREL o National Citizens Movement for Free Elections na pakikinggan ng mga mambabatas ang kanilang apela na huwag nang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay Eric Alvia, Secretary General ng NAMFREL, nangangamba sila na masanay na ang taumbayan na walang nagaganap na Barangay at SK Elections.
Sinabi ni Alvia na may pag – asa pa naman para i – apela ang panukalang pagpapaliban sa eleksyon dahil dadaan pa naman ito sa bicameral conference committee.
Una nang lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng dalawang kapulungan ang panukalang gawin na lamang sa Mayo ng susunod na taon ang Barangay Elections sa halip na sa susunod na buwan.