Saklaw ng kapangyarihan ng kongreso ang pagpapaliban ng mga eleksyon.
Bilang patunay, sinabi ni Senator Francis Tolentino na bukod sa pagpapaliban sa barangay at sangguniang kabataan elections, ipinagpaliban din ng kongreso ang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasabay sana ang eleksyon sa BARMM sa national at local elections nitong nagdaang mayo pero nagpasya ang kongreso at dating pangulong duterte na iposponed ito at itakda sa May 2025.
Ang pahayag ni Tolentino ay kasunod ng pagsasampa ng petisyon sa korte suprema kung saan kinukuwestyon ang pagpapaliban ng barangay at SK elections na nakatakda sana sa disyembre.
Si Election Lawyer, Atty. Romulo macalintal ang naghain ng petisyon sa korte suprema kung saan nakatakda na ang oral argument bukas
Para kay Tolentino, political question ang usapin at sa tingin nya hindi mag iisyu ang korte suprema ng restraining order pagilian ang pagpapatupad ng ipinasang batas ng kongreso ukol sa pagpapaliban ng Brgy. at SK elections.
Samantala ipinagpapatuloy ngayon ang pagdinig ng senate blue ribbon committee ukol sa sinasabimg overpriced laptop na binili ng department of education sa pamamagitan ng PS DBM. - sa ulat ni Cely Ortega- Buena (Patrol 19).